CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION, ISA SA MGA SIYUDAD SA PILIPINAS NA INIMBITAHAN NA MAGING PANEL SA WeGO

Tungo sa pagpapaigting ng makabagong pamamahala, inimbitahan ang City of San Fernando, La Union sa pangunguna ni City Mayor Hon. Hermenegildo A. Gualberto na magbigay ng mensahe sa Annual Investment Meeting kasama ang World Smart Sustainable Cities Organization (WeGO).
Kasama ang iba pang panelists na miyembro ng organisasyon, ginanap ang talakayan sa Abu Dhabi National Exhibition Centre, Abu Dhabi, United Arab Emirates noong Mayo 9, 2023. Isa ang City of San Fernando, La Union sa dalawang siyudad sa Pilipinas na naimbitahan sa kaganapang ito.
Sa talakayang pinamagatang “Constructing for Future Smart Cities,” ipinahayag ni Hon. Gualberto ang naging paglalakbay ng siyudad tungo sa layunin nitong maging People’s City.
Binigyang-diin niya sa kanyang mensahe ang pagkakaroon ng inobasyon gamit ang teknolohiya sa priority pillars natin sa kalusugan, edukasyon, at ekonomiya upang makapagbigay ng mas maayos at mabilis na pagresponde at pag-alalay sa mga pangangailangan ng mga residente ng siyudad. Gayundin, ang pagpapatibay ng aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga isyung panlipunan.
Ayon rin sa kanya, patuloy ang pagpapatatag ng Information and Communication Technology (ICT) Council sa ating siyudad na naging daan sa pagbabahagi ng resources at kaalaman sa ICT sa pampubliko at pribadong institusyon.
Ang WeGO ay isang membership-based international association na nakatuon sa pagtulong sa mga siyudad tungo sa pag-unlad at maging ganap na smart sustainable cities.
Kakabsat, isang hakbang lamang ito tungo sa patuloy nating pagpapatibay ng ating pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang organisasyon tungo sa sabay-sabay at pantay-pantay na pag-unlad ng lahat dito sa #SanFernandoTayo!






RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS