CITY SATELLITE NURSERY, INILUNSAD UPANG MAPROTEKTAHAN ANG ATING KAGUBATAN

Sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) kasama ang Barangay Masicong, inilunsad na ang kauna-unahang City Satellite Nursery matapos ang ribbon cutting ceremony na ginanap noong Pebrero 28, 2023.
Isang mahalagang hakbang tungo sa proteksyon ng ating likas na yaman ang partnership na ito lalo na ang inisyatibang sinimulan ng Barangay Masicong na ngayon kanila nang pananatilihin. Samantala, patuloy ding magbibigay ng logistical at technical assistance ang siyudad.
Layunin ng CENRO na sa pagtatatag ng satellite nurseries sa mga barangay na nasa timberland areas o kagubatan, maprotektahan at mapreserba ang ating forest resources na makatutulong sa water resource conservation ng siyudad.
Bukod sa paglulunsad ng satellite nursery, nagbahagi rin ng kaalaman ang mga kinatawan mula sa Department of Environment and Natural Resources – Provincial Environment and Natural Resources (DENR-PENRO) patungkol sa pagprotekta, pangangasiwa, at pangangalaga ng timberland areas.
Kabilang din sa mga dumalo ang barangay council sa pangunguna ni Hon. Loreta Casuga, CENRO na pinangunahan ni Mr. Valmar Valdez, at Forester Randy Bolesa ng DENR-PENRO.
Sama-sama nating protektahan ang ating kalikasan, kakabsat. Patuloy ang pag-agapay ng City Government tungo sa mas maginhawang buhay ng lahat dito sa #SanFernandoTayo!










RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS