CNR CARES, NAGBAHAGI NG RELIEF GOODS SA SIYUDAD NG SAN FERNANDO

Bilang bahagi ng coordinated relief effort ng CNR Cares, namahagi ng relief goods ang nasabing kompanya sa Barangay Bato, City of San Fernando, La Union noong July 30, 2025.

Bago magtungo sa barangay, tinanggap muna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), kasama si City Mayor Hermenegildo A. Gualberto, ang mga donasyon sa City Hall.

Pagkatapos nito, agad na nagtungo ang CSWDO at CNR Cares sa barangay Bato upang ibahagi ang mga relief goods.

Sa pakikipagtulungan ng CNR Cares sa Cavite La Progressus Masonic Lodge No. 467, naibahagi sa mga residente ng nasabing barangay ang relief goods bilang tulong matapos ang hagupit ng bagyong Emong.

Maraming salamat sa inyong tulong, CNR Cares!

Tuloy-tuloy pa rin ang ating pagtutulungan para sa ikaaayos ng #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS