CONGRATULATIONS SA UNANG ANIBERSARYO, NASUDI CENTER!

KAPAKANAN NG KABATAAN AT KABABAIHANG NAKARANAS NG KARAHASAN, PATULOY NA ITINATAGUYOD SA SAN FERNANDO
Nitong Nobyembre 18, 2021, nagdiwang ng unang anibersaryo ng pagkakalunsad ang NASUDI Center for Women and Children sa Brgy. Sibuan-Otong, City of San Fernando, sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Bilang isa sa ating mga pasilidad na naglalayong magbigay-proteksyon sa kababaihan at batang nakaligtas mula sa karahasan at pang-aabuso, ang tema ng anibersayong ito ay: “Kahit sa Panahon ng Pandemya, Karapatan ng mga Kababaihan at Bata ay Bigyang Importansya. TAYO Laban sa Abuso.”
Sinimulan ang programa sa isang Thanksgiving Service na pinamunuan ni Pastor John Martinez, Presidente ng City of San Fernando Pastors Fellowship (CSFPF), na sinundan ng pag-uulat ng facilitators sa mga nagawang pagtulong ng NASUDI sa isang taon nito.
Ipinakita rin sa lahat ang aktibidades na isinagawa sa NASUDI nitong nakaraang mga buwan gaya ng Liga sa Nasudi, Pagdiriwang ng Nutrition Month, at Pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Bukod dito, dumating din si Manong Dong sa pagdiriwang at kinumusta ang kalagayan ng mga bata at kababaihan na kasalukuyang nasa 22 ang kabuuang bilang.
Kasama rin ni Manong Dong na dumalo sa anibersaryo ang CSFPF, Rotary Club of San Fernando, Don Mariano Marcos Memorial State University – Mid La Union Campus, Zonta Club of La Union, Integrated Bar Of The Philippines La Union Chapter, Sibuan-Otong Methodist Church, La Union Medical Society, at Sibuan-Otong Barangay Officials.
Sa kanlungan ng NASUDI, tinitiyak na makababangong muli ang ating kakabsat sa sektor ng kabataan at kababaihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na aktibidades at pagpapagamit ng maayos na pasilidad, kabilang ang gardening, zumba, paggawa ng mga basahan, bible study, at modules para sa mga bata. Lahat ng ito, naglalayong makatulong sa tuluyang paghilom ng ating kakabsat.
Kung may nais kayong iulat na posibleng biktima ng pang-aabuso, maaaring makipag-ugnayan sa CSWDO sa (072) 687-8100 loc. 117.
Kakabsat, layunin nating maging ligtas ang bawat isa sa gitna ng pandemya kaya sama-sama nating labanan ang karahasan at itaguyod ang mga karapatang pantao ng kabataaan at kababaihan dito sa #SanFernandoTayo!









RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS