79 PASYENTE, BINIGYAN NG TULONG NG TASK FORCE UMISU SA DALLANGAYAN ESTE

Bumisita ang Task Force UMISU nitong Nobyembre 19, 2021 sa Barangay Dallangayan Este upang bigyang-pansin ang pangangailangan ng mga may sakit, may kapansanan, at matatanda.
Nabigyan ng tulong-medikal ang 79 residente, sa pamumuno ng mga empleyado ng City Health Office (CHO) na parte ng Task Force UMISU. Bukod dito, nakatanggap din sila ng mga gamot, bitamina, at dental kits.
Kasama ng CHO, may nagboluntaryo rin na physical therapists at dentista mula sa Department of Health upang makatulong sa mga residente.
Bilang isa sa mga proyekto ni Manong Dong Dong, limang taon nang naghahatid ng serbisyo ang Task Force UMISU dahil layunin nitong maabot kahit ang kakabsat na nasa malalayong barangay. Upang sama-sama tayong makabangon, patuloy ang pag-iikot ng Task Force UMISU sa mga susunod na buwan upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa rito sa #SanFernandoTayo.






Previous
Next
RECENT POSTS
MGA BARANGAY NG MASICONG AT PAGUDPUD, BINISITA NG TASK FORCE UMISU
<strong>TINGNAN: KASALUKUYANG ISINASAGAWA ANG DUGONG BUHAY: A BLOOD LETTING PROJECT SA ABC HALL, CITY HALL, SAN FERNANDO, LA UNION NGAYONG ARAW MAY 12, 2023.</strong>
CHILD DEVELOPMENT WORKERS, SUMAILALIM SA BASIC COMPUTER LITERACY TRAINING
CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION, ISA SA MGA SIYUDAD SA PILIPINAS NA INIMBITAHAN NA MAGING PANEL SA WeGO
FARMER AND FISHERFOLK SYMPOSIUM, ISA SA MGA AKTIBIDAD NG BULAN TI MANNALON KEN MANGNGALAP 2023