ANTI-SEXUAL HARASSMENT SEMINAR, ISINAGAWA PARA SA MAS LIGTAS NA SAN FERNANDO

Sa pangunguna ng City Legal Office, nagsagawa ng seminar para sa 113 miyembro ng Traffic Management Unit (TMU) at Civil Security Unit (CSU) ng Office for Public Safety (OPS) upang mapaigting ang mas ligtas at inklusibong pampublikong lugar para sa lahat ng residente ng City of San Fernando.
Upang bigyang-diin ang tema ng seminar na “Gender-Based Sexual Harassment on the Streets and Public Spaces,” tinalakay ang mga paksa tungkol sa gender sensitivity at mga batas tulad ng R.A. 11313 o Safe Spaces Act, R.A. 7877 o Anti-Sexual Harassment Act of 1995 at ang 2017 Rules on Administrative Cases in the Civil Service.
Ayon sa Guidelines on the Localization of Safe Spaces Act, inaatasan ang City Government na italaga ang traffic enforcers at iba pang local law enforcement units bilang Anti-Sexual Harassment Enforcers o ASHEs.
Kaagapay ng ating kakabsat ang City Government at mga kawani ng Local Law Enforcement para sa ating mas ligtas na komunidad dito sa #SanFernandoTayo!





RECENT POSTS
MGA BARANGAY NG MASICONG AT PAGUDPUD, BINISITA NG TASK FORCE UMISU
<strong>TINGNAN: KASALUKUYANG ISINASAGAWA ANG DUGONG BUHAY: A BLOOD LETTING PROJECT SA ABC HALL, CITY HALL, SAN FERNANDO, LA UNION NGAYONG ARAW MAY 12, 2023.</strong>
CHILD DEVELOPMENT WORKERS, SUMAILALIM SA BASIC COMPUTER LITERACY TRAINING
CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION, ISA SA MGA SIYUDAD SA PILIPINAS NA INIMBITAHAN NA MAGING PANEL SA WeGO
FARMER AND FISHERFOLK SYMPOSIUM, ISA SA MGA AKTIBIDAD NG BULAN TI MANNALON KEN MANGNGALAP 2023