CITY GOVERNMENT, AGAD NA TINUGUNAN ANG PROBLEMA SA KALSADA NG BARANGAY ABU

Sa isinagawang Town Hall Meeting sa Barangay Abut, pangunahing isinangguni ng mga residente ang kanilang pangangailangan sa kalsadang makapagdudugtong ng Lower Abut at Upper Abut noong Setyembre 19, 2023.
Ipinaabot din ng mga residente ang iba pang mga problema sa kalsada ng kanilang barangay at agad namang nagbigay ng direktiba si Manong Dong sa City Engineering and Architectural Services na suriin ang mga daang ito at agarang ayusin ang mga kinakailangang ayusin.
Bukod sa Town Hall Meeting, nagkaroon din ng medical mission para sa mga residente kung saan mga bata at mga senior citizen ang karamihan sa mga binigyan ng tulong pangkalusugan.
Kakabsat, patuloy na maglalaan ng karampatang solusyon ang City Government sa mga problemang ating kinahaharap dito sa ating siyudad. Nawa’y pagtibayin pa natin ang ating pagkakaisa para sa mas maunlad at inklusibong #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo







Previous
Next
RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT EXPANDS CITY HEALTH OFFICE OPERATIONS, OPENS CITY HEALTH OFFICE II IN BARANGAY BANGBANGOLAN
CITY OF SAN FERNANDO RICE RETAILERS, FIRST TO RECEIVE CASH ASSISTANCE FROM DSWD REGION 1
LNP BOOTCAMP, DAAN SA PAGBABAGO NG RECOVERY CHAMPIONS
MGA MAGSASAKA NG SIYUDAD, DUMALO SA GOOD AGRICULTURAL PRACTICES TRAINING
CITY GOVERNMENT KICKS-OFF LINGGO NG KABATAAN, CELEBRATES INTERNATIONAL YOUTH DAY