CITY HEALTH OFFICE, PINALAGANAP ANG KAALAMAN PARA SA DENGUE AWARENESS MONTH

Bilang padiriwang ng Dengue Awareness Month, nagsagawa ng aktibidad para sa 262 residente ng Barangay Catbangen ang City Health Office (CHO) sa Covered Court ng naturang barangay noong June 20, 2024.

 

Unang binati ang mga residente ng kanilang Punong Barangay na si Hon. Roberto Abasolo Jr. kasunod ng pagbibigay mensahe ng ilang panauhin kabilang ang tagapangasiwa ng CHO na si City Health Officer II Dr. Michael C. Bangloy, City Health Officer I Dr. Romulo R. Monico, at Health Education Promotion Officer (HEPO) III Ms. Prixies R. Sambrano, ang representative ni Provincial Health Officer II Dr. Herminigildo Velasco.

 

Nagkaroon ng open forum sa aktibidad na ito kung saan tinalakay ang mga handog na programa ng City Library, City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Gender and Development (GAD) Office, City Agriculture (CA) Office, City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), at City Health Office (CHO).

 

Dagdag pa rito, nakatanggap din ang mga residente ng libreng mga libro mula sa City Library, seeds mula sa City Agriculture, dalawang kilo ng bigas at insect repellent mula sa CHO, gayundin ang impormasyon sa serbisyong alok ng CSWDO, mga batas kaugnay ng R.A. 11313 o ang “Safe Spaces Act” at R.A. 9262 o “Anti-violence Against Women and their Children Act” mula sa GAD, at ang first aid techniques na itinuro naman ng CDRRMO.

 

Kalaunan, ipinagpatuloy ang programa sa hapon sa pakikilahok ng mga residente sa “Search and Destroy” at “Operation Itak-Itak” na naglalayong puksain ang mga pinamumugarang lugar ng mga lamok malapit sa kanilang barangay hall kapalit ng isang kilong bigas.

 

 

Kakabsat, sama-sama nating ipagpatuloy ang pakikilahok sa mga inisiyatibang pangkalusugan at pangkaligtasan bilang pagpapahalaga hindi lang sa ating pamilya kundi pati sa buong komunidad dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS