CITY LIBRARIAN, IPRINISINTA KAY MANONG DONG ANG NATANGGAP NA KARANGALAN

Bilang pagkilala sa mahusay na serbisyong ipinamalas sa City Library, iprinisinta ni Aiko Nagas, Officer-in-Charge of the City Library ang ‘Gawad ng Country Representative ng the Asia Foundation Award’ sa kanyang courtesy visit kay Manong Dong.
Iginawad kay Aiko ang parangal sa virtual awarding ceremony na ginanap sa kauna-unahang ASEAN Virtual Regional Conference of Public Librarians (VRCPL) na dinaluhan rin ni Manong Dong noong Agosto 25, 2021.
Sa courtesy visit, binati ni Manong Dong si Aiko sa pagkamit niya ng parangal at sa pagbibigay-pugay sa kanyang propesyon. Bukod pa rito, binati rin siya sa patuloy niyang pagpapabuti sa kanyang trabaho at serbisyo sa City Library.
Bukod pa sa pagtanggap ng karangalan, inimbitahan rin si Aiko na ibahagi ang kanyang kwento sa ‘Ang LibStory ko: Giving Emphasis on the Value of Public Libraries’ sa parehong pagpupulong.
Dahil sa pandemya, napalitan ang tradisyonal na 4-day conference ng 3-day virtual conference na dinadaluhan ng public librarians, library in-charge, local government officials, at iba pang interesadong indibidwal mula sa mga bansang kabilang sa ASEAN tulad ng Korea, Japan, at Pilipinas.
Naglaing ka, kabsat! Salamat sa walang sawa at taos-puso mong serbisyo at dedikasyon sa City Library sa kabila ng kinakaharap nating pandemya. Isa kang inspirasyon sa patuloy nating pagbangon dito sa #SanFernandoTayo! Congrats, kabsat!


RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT, AGAD NA TINUGUNAN ANG PROBLEMA SA KALSADA NG BARANGAY ABUT
CITY GOVERNMENT EXPANDS CITY HEALTH OFFICE OPERATIONS, OPENS CITY HEALTH OFFICE II IN BARANGAY BANGBANGOLAN
CITY OF SAN FERNANDO RICE RETAILERS, FIRST TO RECEIVE CASH ASSISTANCE FROM DSWD REGION 1
LNP BOOTCAMP, DAAN SA PAGBABAGO NG RECOVERY CHAMPIONS
MGA MAGSASAKA NG SIYUDAD, DUMALO SA GOOD AGRICULTURAL PRACTICES TRAINING