KIDS ARTS DAY, PINASAYA ANG MGA BATANG SAN FERNANDO

Binigyang-saya ng City Government of San Fernando, La Union ang kabataan ng siyudad sa Kids Arts Day na ginanap sa Barangay Narra Oeste Covered Court noong Agosto 1, 2023.
Nakilahok sa programa ang mga bata mula sa Barangays Birunget, Narra Oeste, Narra Este, Sibuan Otong, Tanquigan, Sagayad, at Bungro, kung saan kanilang ipinamalas ang galing sa paglikha at pagkabibo sa mga palaro at aktibidad.
Nagkaroon din ng storytelling, face painting, at arts and crafts kung saan gumawa ang mga bata ng kani-kanilang rocket. Nakatanggap din sila ng mga papremyo at kits na may lamang school supplies na kanilang magagamit sa eskwela.
Kasama ring nagpasigla sa aktibidad na ito ang mga magulang ng mga bata, City Social Welfare and Development Office, at Child Development Workers ng kalahok na barangay.
Kakabsat, patuloy ang ating paggawa ng mga programa at aktibidad para sa kanila upang mas malinang ang mga kasanayan ng kabataan sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo!







RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER DOCUMENTS TO INCOMING PUBLIC OFFICIALS
PAGGUNITA SA IKA-127 TAON ARAW NG KALAYAAN, IDINAOS NG CITY GOVERNMENT OF SAN FERNANDO
QUALIFIED CITY OCTOGENARIANS, NONAGENARIANS RECEIVE FREE NOTARIAL SERVICE
CITY GOVERNMENT DEVELOPS 2026-2031 LDRRMP WITH OCD, NFSTI
CLICKCONEX 2025 DISCUSSES CYBER CHALLENGES, AI INTEGRATION, TALENT DEVELOPMENT