LA UNION BOTANICAL GARDEN

Isa sa mga dapat idagdag sa inyong bucket list ang flora & fauna ng San Fernando — ang napakagandang Botanical Garden!
Para sa mga kabsat na naghahanap ng adventure at stress-free environment na malayo sa Siyudad, tiyak na mag-eenjoy kayo dito! Bukod sa tahimik at classical landscape, makikita din sa La Union Botanical Garden ang iba’t ibang klase ng hayop at halaman mula sa tropical Regions sa mundo kaya naman mararansan talaga ng mga bumibisita rito ang pagkamangha sa ating kaibig-ibig na kalikasan.
Sa kasalukuyan, ito ay bukas sa publiko at matatagpuan sa Barangay Cadaclan, City of San Fernando, La Union.
Para sa kaligtasan nating lahat, pinapaalalahanan ang mga nais bumisita rito na istriktong sumunod sa minimum public health standards.
Dito sa #SanFernandoTayo, tungkulin nating pahalagahan ang ating kalikasan hindi lamang para sa ating sarili kundi para sa susunod na henerasyon!






RECENT POSTS
MGA BARANGAY NG MASICONG AT PAGUDPUD, BINISITA NG TASK FORCE UMISU
<strong>TINGNAN: KASALUKUYANG ISINASAGAWA ANG DUGONG BUHAY: A BLOOD LETTING PROJECT SA ABC HALL, CITY HALL, SAN FERNANDO, LA UNION NGAYONG ARAW MAY 12, 2023.</strong>
CHILD DEVELOPMENT WORKERS, SUMAILALIM SA BASIC COMPUTER LITERACY TRAINING
CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION, ISA SA MGA SIYUDAD SA PILIPINAS NA INIMBITAHAN NA MAGING PANEL SA WeGO
FARMER AND FISHERFOLK SYMPOSIUM, ISA SA MGA AKTIBIDAD NG BULAN TI MANNALON KEN MANGNGALAP 2023