MGA LOLO'T LOLA SA BARANGAY LINGSAT, BINISITA NG TASK FORCE UMISU

Binisita ng Task Force Umay Mangted iti Sungbat o UMISU ang mga lolo at lola sa Barangay Lingsat kung saan inilapit nila ang serbisyong pangkalusugan sa kani-kanilang mga tahanan.
Nagsagawa ng check-up para sa matatanda ang Task Force UMISU at nagbahagi rin sila ng mga gamot, food packs, at iba pang maaaring makatulong sa kanilang pang araw-araw.
Bukod sa matatanda, tinulungan din ng Task Force ang may kapansanan, may sakit, at iba pang nangangailangan sa nasabing barangay. Sa kabuuan, 113 residente ang naabutan ng tulong ng Task Force UMISU.
Kabilang sa Task Force UMISU ang iba’t ibang opisina ng City Government of San Fernando tulad ng Office of the City Mayor, City Health Office, City Social Welfare and Development, City Engineering, City Agriculture, at Barangay Health Workers.
Kakabsat, ipagpapatuloy natin ang paghatid ng tulong sa bawat tahanan ng Fernando at Fernanda para sa mas mayabong na #PeoplesCity of #SanFernandoTayo








Previous
Next
RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT, AGAD NA TINUGUNAN ANG PROBLEMA SA KALSADA NG BARANGAY ABUT
CITY GOVERNMENT EXPANDS CITY HEALTH OFFICE OPERATIONS, OPENS CITY HEALTH OFFICE II IN BARANGAY BANGBANGOLAN
CITY OF SAN FERNANDO RICE RETAILERS, FIRST TO RECEIVE CASH ASSISTANCE FROM DSWD REGION 1
LNP BOOTCAMP, DAAN SA PAGBABAGO NG RECOVERY CHAMPIONS
MGA MAGSASAKA NG SIYUDAD, DUMALO SA GOOD AGRICULTURAL PRACTICES TRAINING