MGA MAGSASAKA NG SIYUDAD, DUMALO SA GOOD AGRICULTURAL PRACTICES TRAINING

Upang patatagin ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka ng siyudad, dumalo ang 25 magsasaka sa Good Agricultural Practices Training na ginanap sa Food Terminal, Barangay Biday noong Setyembre 7-8, 2023.
Isa sa mga layunin nito ang malinang ang mga magsasaka sa pagpapatupad ng good agricultural practices at unti-unting pagbago mula sa kanilang nakasanayang pagsasaka. Nais din nitong makapagbigay ng mas maraming organikong produkto mula sa kanilang agricultural waste products at maparami ang bilang ng organic practitioners.
Dumalo sa pagtitipon sina City Vice Mayor Hon. Alfredo Pablo R. Ortega, City Councilor Hon. Edwin Yumul, at City Administrator Col. Ramon Laudencia.
Nagbahagi rin ng mga kaalaman ang tatlong Organic Pratitioners mula sa Participatory Guarantee System (PGS) ng siyudad. Mayroon ding guest speakers mula sa CHC Agritech na sina Michelle Macaraeg at Marilou Bernal.
Kakabsat, patuloy nating lilinangin ang kapasidad ng bawat sektor sa ating siyudad kasama ang sektor ng agrikultura tungo sa mas inklusibong #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS