PINDANGAN RUINS

Isa sa mga religious sites ng San Fernando ang Pindangan Ruins — mula sa salitang ‘Pindangan’ kung saan nagpapatuyo ng isda ang mga lokal na mamamayan. Itinayo ito ng mga Espanyol noong 1764 at ginawang lugar ng pagsamba.
Napinsala ang Pindangan Church dahil sa malakas na lindol noong 1892, ngunit makikita pa rin sa kasalukuyan ang natitirang pader ng simbahan na gawa sa bato.
Makalipas ang 258 taon, makikita rin sa Pindangan Ruins ang lumang balon na dating pinagkukunan ng tubig ng lokal na mga residente.
Para sa mga nais bumisita rito, matatagpuan ang Pindangan Ruins sa Barangay Parian, City of San Fernando. Huwag natin kalimutang sumunod sa minimum public health standards at manatiling ligtas, kakabsat.
Pahalagahan natin ang kasaysayang pinagmulan ng kaunlaran ng ating pinakamamahal na #SanFernandoTayo!




RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT KICKS-OFF LINGGO NG KABATAAN, CELEBRATES INTERNATIONAL YOUTH DAY
KIDS ARTS DAY, PINASAYA ANG MGA BATANG SAN FERNANDO
MGA MATATANDA AT MAY SAKIT, NAHATIRAN NG TULONG NG TASK FORCE UMISU
MANONG DONG WELCOMES DELEGATES OF THE 32ND NORTH LUZON AREA BUSINESS CONFERENCE
SAN FERNANDO LA UNION ICT COUNCIL CONCLUDES ITS FIRST E-SPORTS TOURNAMENT