PRIMEWATER, PINULONG NI MAYOR DONG UPANG IRESOLBA ANG PROBLEMA SA WATER SUPPLY SA SIYUDAD

Dahil sa patuloy na hinaing ng mga residenteng apektado sa serbisyo ng Primewater Metro, nakipagpulong si Manong Dong sa mga kawani ng kumpanya para sa pagresolba ng matagal nang problema sa water supply ng ilang barangay sa siyudad.
Binigyang-diin sa pagpupulong na dapat magkaroon ng interbensyon sa kanilang serbisyo ang kumpanya ‘pagkat marami pa rin ang problemang kanilang sosolusyonan, kabilang dito ang pagpapalit nila ng lumang mga tubo noong nagdaang taon.
Dagdag pa rito, hiniling ni Manong Dong na huwag nang pagbayarin ang mga residenteng walang naitalang pagkonsumo ng tubig. Inutos rin ang kanilang agarang pag-aksyon upang maibigay sa lahat ang serbisyong nararapat at katumbas ng kanilang binabayaran.
Maaalalang ipinangako nila noong Enero ng 2021 na pagbubutihin ang kanilang water service sa publiko. Bukod pa rito, hihigpitan din ng City Government ang pagsubaybay sa progreso ng Primewater Metro patungkol dito.
Kasama rin sa pagpupulong sina Ms. Lily Ann Colisao mula sa City Department of the Interior and Local Government (DILG), Councilor and Chair Committee on Water Hon. Quintin Balcita, kinatawan ng complainant-residents, at ilang opisyales ng City Hall.
Kaakibat sa pagbangon ng siyudad ang pagresolba sa mga suliraning dinaranas ng karamihan. Kaya naman, patuloy ang pagtulong ng City Government upang matugunan ang mga problemang ito para sa ating pagtayo dito sa #SanFernandoTayo!





RECENT POSTS
SIMULATION NG LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN, SINIMULAN NA
DOH SEC. DUQUE BUMISITA SA BAYANIHAN BAKUNAHAN BATA ANG BIDA
SIMULATION NG LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN, SINIMULAN NA
GRADUATION EXERCISE PARA SA 23 RESIDENT FARMERS NG BARANGAY PAO SUR
LA UNION BOTANICAL GARDEN