FACE-TO-FACE CLASSES SA NAGYUBUYUBAN INTEGRATED SCHOOL, SINIMULAN NA

Sa pagbaba natin sa Alert Level 1, sinimulan na ang implementasyon ng face-to-face classes ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Nagyubuyuban Integrated School ngayong Marso 7, 2022.
Sa kanilang flag raising activity kaninang umaga, binati ni Mr. Mark Anthony B. Inocencio, School Head of Nagyubuyuban Integrated School, ang mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik.
Ayon sa kanya, magpapatuloy ang edukasyon sa eskwelahan, bahay, o saanmang ligtas na lugar. Ito dapat ang binibigyang prayoridad dahil ito ang ating susi sa magandang kinabukasan.
Para sa kaligtasan ng bawat guro at mag-aaral sa eskwelahan, patuloy nating sundin ang Minimum Public Health Standards. Sama-sama tayong tatayo, kasama ang sektor ng edukasyon, dito sa #SanFernandoTayo!





Previous
Next
RECENT POSTS
SIMULATION NG LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN, SINIMULAN NA
DOH SEC. DUQUE BUMISITA SA BAYANIHAN BAKUNAHAN BATA ANG BIDA
GRADUATION EXERCISE PARA SA 23 RESIDENT FARMERS NG BARANGAY PAO SUR
LA UNION BOTANICAL GARDEN
ANTI-SEXUAL HARASSMENT SEMINAR, ISINAGAWA PARA SA MAS LIGTAS NA SAN FERNANDO