CSWD, NAMAHAGI NG FINANCIAL EDUCATION ASSISTANCE PARA SA MGA MAG-AARAL NG SAN FERNANDO

Bilang parte ng pagpapaunlad ng education sector ng City Government, pinangunahan ng City Social and Welfare Development Services Office (CSWDO) ang pagbibigay ng tulong pinansyal para sa mga estudyante.

Si Acting City Mayor Alfred Ortega ang mismong nag-abot ng educational assistance na nagkakahalaga sa P4,000.00 sa labing-anim (16) na mga estudyante sa kolehiyo, para matulungan sila na tustusan ang kanilang pag-aaral at maabot ang kani-kanilang mga pangarap. Ang financial assistance na ipinamahagi ay galing sa Education Fund ng City Government.

Pinaalalahanan ni Acting Mayor Alf Ortega na pagbutihin pa na mga estudyante ang kanilang ang pag-aaral, at sinigurong makakaasa sila na patuloy na sumusuporta sa kanila ang City Government. “We are here to encourage you and inspire you more to continue living and pursuing your passion” dagdag ni Acting Mayor Alf Ortega.

Para makabilang sa susunod na education financial assistance pay-out, maaaring pumunta sa CSWDO ang mga indigent students na kasalukuyang naka-enroll sa public school.

Pinahahalagahan ng City Government ang edukasyon ng bawat isa dahil ang pag-abot ng pangarap ng mga kabataan ay tagumpay para sa Pamilyang San Fernando. Dahil #SanFernandoAyAyatenKa, hindi tayo titigil sa pag-abot ng tulong sa bawat mag-aaral ng San Fernando lalong-lalo na sa pagsubok na ating pinagdadaanan sa mga panahong ito.

RECENT POSTS