CSWDO AT PDAO, NAGSAGAWA NG MENTAL HEALTH FORUM

Upang maisulong ang mas mabuting pag-intindi sa  kalusugang pangkaisipan ng bawat isa, pinangunahan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang pagkakaroon ng Mental Health Forum na ginanap sa People’s Hall, City Hall noong Mayo 18, 2023.

Sa temang “Panangtaripato iti Nasalun-at a Kapanunutan,” dumalo rito ang barangay captains, barangay secretaries, barangay health workers, Barangay National Health Services (BNHS), caregivers, mga kamag-anak ng mayroong mental health concerns, at mga indibidwal na mayroong kaparehong problema.

Naging panauhing tagapagsalita si Mr. Chris April R. Tamaken, RN kung saan tinalakay niya ang “Home and Community Care for Mental Care” at ang “Isang Dosenang ‘S’ Laban sa Stress.”

Nagbigay naman ng kanyang mensahe si City Councilor Hon. John H. Orros sa pamamagitan ni Ms. Angelica Flores. Samantalang, nagbigay ng pambungad na pananalita si Dr. Mark Anthony Barroso Inocencio, Disability Affairs Officer IV ng PDAO.

Kakabsat, dito sa ating #PeoplesCity, patuloy ang pag-agapay ng City Government kasama ang CSWDO at PDAO na maipahatid ang tamang pag-intindi sa usaping mental health tungo sa mas malusog at inklusibong #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS