DEPUTIZED FISH WARDENS NG SAN FERNANDO, NABIGYAN NG MGA BAGONG UNIPORME

Nitong Nobyembre 11, 2021, nagkaroon ng courtesy visit kay Manong Dong ang Deputized Fish Wardens (DFWs) ng City of San Fernando, kasama ang City Agriculture Office (CAO).
Dahil sa pagsisikap ng DFWs na maprotektahan ang karagatang sakop ng teritoryo ng City of San Fernando, pinasalamatan sila ni Manong Dong sa nasabing courtesy visit. Bilang pagtanaw sa kanilang halaga sa siyudad, binigyan din sila ng mga bagong uniporme ng City Government.
Sa pakikipagtulungan sa CAO, parte ang DFWs ng Task Force Sagip Karagatan na naglalayong protektahan ang ating karagatan laban sa ilegal na pangingisda. Tinitiyak nila na nasusunod ang mga batas na may kaugnayan sa pangingisda at pangangalaga sa likas na yaman ng ating karagatan.
Maraming salamat sa palaging pagtupad ng inyong tungkulin sa bayan, kakabsat na Deputized Fish Wardens! Kaagapay niyo kami sa pagpapanatili ng ganda at kaayusan sa ating karagatan dito sa #SanFernandoTayo!


RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS