DOH SEC. DUQUE BUMISITA SA BAYANIHAN BAKUNAHAN BATA ANG BIDA

Bilang paghahanda sa pagsisimula ng face-to-face classes sa public schools, ginanap ang pagpapabakuna sa 525 na batang nasa pediatric age group o edad 5-17 taong gulang sa “Bayanihan, Bakunahan – Kids ang Bida” sa North Central School at Ilocos Training and Regional Medical Center.

Binisita ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang pagbabakuna sa pediatric age group na siya ring unang nagturok ng bakuna sa ilang batang mababakunahan ng Pfizer-Biontech.

Sabi ni Secretary Duque, “Marami na pong batang nakatanggap nito at wala pong naidulot na anomang masamang epekto sa kanilang kalusugan. Ito po ay sertipikado ng mga eksperto, ito po ay ligtas gamitin at ito po ay libreng ibibigay sa inyo.”

Kasama si DOH-Ilocos Regional Director Paula Paz Sydiongco, dumalo rin si Manong Dong sa vaccination site at pinasalamatan si Secretary Duque sa kaniyang pagbisita sa siyudad. Ang North Central School ang pangalawang school-based facility sa siyudad kung saan ginaganap ang pagpapabakuna sa edad na 5-17.

Dahil #TayoAngSolusyon kontra COVID-19, patuloy ang panghihikayat ng City Government na mabakunahan ang lahat para sa tuloy-tuloy nating pagtayo rito sa #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS