
Sa layuning matulungan ang mga recovery champions (RCs) ng lungsod sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon sa komunidad, at mabigyan sila ng pagsisimulan na hanap buhay, nagpatupad ng Cash For Work (CFW) scheme ang City Government of San Fernando sa mga nagtapos ng Lakas ng Pagbabago: Community- Based Rehabilitation Program (LNP-CBRP).
Kabalikat ang City Environment and Natural Resources (CENRO), tatlumpung LNP-CBRP graduates mula sa tatlong (3) naunang batch nito ang kasalukuyang kalahok sa CFW scheme. Sa loob ng dalawang buwan, nagsasagawa sila ng Street Sweeping araw-araw mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM sa iba’t ibang kalsada at daan ng lungsod. Samantalang kada- Huwebes mula Setyembre hanggang Disyembre ang ginagawang Coastal and Creek Clean Up drives sa mga tabing dagat at limang (5) natukoy na sapa ng San Fernando.
Ang LNP-CBRP ay tuloy-tuloy na programa na pinangangasiwaan ng Office of the City Mayor kabalikat ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Bilang tanging community-based rehabilitation sa buong La Union, layon ng programa na matulungan ang pagbabagong-buhay ng higit sa dalawang daan (200) pang drug personalities (DPs) sa lungsod.
Dumadaan sa iba’t ibang aktibidad ang mga kalahok sa programa kabilang ang Boot Camp, Growth Sessions, Livelihood Training, Scholarship, Home Visitations at Monitoring sa loob ng anim na buwang programa bago sila makapagtapos upang matanggal sa watchlist ng PNP at PDEA. 418 RCs na ang naging produkto ng unang tatlong (3) batches ng LNP-CBRP mula pa noong 2016.
Inaasahang magtutuloy-tuloy ang CFW scheme sa ilalim ng LNP-CBRP sa mga susunod na batch lalo na sa inaasahang pagpapatayo ng City Government ng Bike Lanes sa mga darating na buwan. Ang tuloy-tuloy na mga programa at plano na nakatuon sa drug rehabilitation ay para makilala ang City of San Fernando bilang isang drug-free city.
Tinitiyak ng City Government ang tuloy-tuloy na pag-abot at pagtanggap sa mga nasangkot sa paggamit at pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot dito sa ating lungsod. Binibigyang diin ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng pagkakataon sa bawat indibidwal upang magbagong buhay para sa #SanFernandoAyayatenKa.
(Kuwento ni Jeddahn Rosario)
(Litrato ni Cleofino Gaon)
RECENT POSTS
Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102
Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS