DSWD, SECRETARY REX GATCHALIAN, BINISITA AT NAMAHAGI NG FOOD PACKS SA SIYUDAD NG SAN FERNANDO
Namahagi ng family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinangunahan ni Secretary Rexlon “Rex” Ting Gatchalian sa mga pamilya at indibidwal na nasa mga evacuation center ng Barangay Poro at Ilocanos Elementary School ngayong araw, July 27, 2025.
Nakatanggap ng donasyon ang 92 pamilya at 166 na indibidwal ng Barangay San Francisco, Poro, at San Vicente habang, 79 na pamilya at 272 indibidwal naman ang mula sa Barangay Ilocanos Norte at Ilocanos Sur.
Laman ng bawat family food pack ay bigas, de lata, cereal, at kape na maaaring tumagal ng 2-3 araw para sa 5 miyembro ng pamilya.
“Simula pa lang ng typhoon season kailangan ma-repair natin yung mga tahanan, lahat sila maka-repair ng tahanan kasi hindi naman pwedeng may next na bagyo na pero wala pang bubong at silungan yung kanilang tahanan.” pagbabahagi ni Sec. Gatchalian sa kanyang panayam.
Dagdag pa niya, mayroong inihahandang financial assistance ang DSWD para sa mga lubhang nasalanta na makatutulong sa kanilang pag-aayos ng mga nasirang tahanan. Nakikipag-ugnayan rin ang DSWD sa lokal na pamahalaan upang mabilis ang pagtulong at responde ng ahensya sa pangangailangan ng siyudad.
Naroon din sa distribusyon ng donasyon si Governor Mario Eduardo Ortega kasama si City Mayor Hermenegildo A. Gualberto, at DSWD Field Office 1 Regional Director Marie Angela Gopalan.
Maraming salamat DSWD!
Malaking tulong ang inyong ibinahagi upang higit na maramdaman ng #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo ang pagkalinga ng gobyerno sa panahon ng sakuna.




















RECENT POSTS

SAFER, DRUG-FREE COMMUNITIES STRENGTHEN AS THREE SAN FERNANDO BARANGAYS RECEIVE DRUG-CLEARED CERTIFICATES

IMPORMASYON AT TUGON SA MGA PANGANGAILANGAN, INIHANDOG SA BARANGAY CABARSICAN

TALENTO AT DISIPLINA NG KABATAANG FERNANDO, PATULOY NA HINUHUBOG SA PEOPLE’S CITY SPORTS CLINIC

MAS LIGTAS AT MATATAG NA KOMUNIDAD, SA SAN FERNANDO MATATAGPUAN

BARANGAY TANQUIGAN FREELY EXPRESSES CONCERNS AT TOWN HALL MEETING
