EPEKTO NG BAGYONG EMONG SA AGRIKULTURA AT PANGISDAAN, SINURI NG CITY GOVERNMENT
Sa layong maibigay ang angkop na tulong at suporta, nagtungo ang City Government of San Fernando, La Union sa 8 upland barangays, 5 brackish fishpond-operating barangays, at 14 coastal barangays upang suriin ang epekto ng bagyong #EmongPH sa mga lupang sakahan, pananim, at fishponds ng mga magsasaka at mangingisda noong July 28, 2025.
Pinangunahan ng Office of the City Agriculturist (AGR) ang post-assessment at site validation sa barangay Calabugao, Puspus, Nagyubuyuban, Baraoas, at Bangbangolan, pati na rin sa coastal at fishpond operating-barangays.
Dagdag pa rito, nakipag-ugnayan din ang AGR sa barangay council ng mga binisitang barangay tungkol sa kalagayan at nasira ng bagyo sa kanilang pananim, palaisdaan, at mga bangka.
Samantala, kasalukuyan pa ring isinasagawa ang site validation sa iba pang mga barangay sa siyudad.
Gagamitin ang mga aktwal na resulta ng mga datos mula sa pag-assess at pag-validate upang maibigay ang karampatang tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda sa siyudad.
Kakabsat, walang maiiwan sa pagbangon natin mula sa kalamidad dahil hangarin ng City Government ang sabay-sabay at pantay-pantay na pagtayo ng #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.





RECENT POSTS

CGSFLU JOINS PREPARATION OF TOURISM ACTIVITIES FOR THE ARRIVAL OF LE SOLÉAL OF COMPAGNIE DU PONANT

CGSFLU BOOSTS READING EFFICIENCY AMONG CHILDREN THROUGH LETRA

CGSFLU HOLDS PAYOUT OF SUBSIDY FOR SOLO PARENTS, INTRODUCES iSOPORTCA

CGSFLU REINTEGRATES VAGRANT PERSON WITH DISABILITY TO FAMILY

CGSFLU LAUNCHES WELLNESS WEEKENDS
