FARMER AND FISHERFOLK SYMPOSIUM, ISA SA MGA AKTIBIDAD NG BULAN TI MANNALON KEN MANGNGALAP 2023

Kasabay sa pagdiriwang ng Bulan ti Mannalon ken Mangngalap 2023, pinangunahan ng City Agriculture Office ang pagkakaroon ng Farmers and Fisherfolk Symposium na ginanap sa Dialysis Center, Marcos Bldg. noong Mayo 4, 2023.
Layunin ng aktibidad na madagdagan ang kaalaman ng mga mannalon at mangngalap ng siyudad sa Sericulture at linangin ang kanilang kakayahan sa Agribusiness at Marketing. Isa rin ito sa mga hakbang ng opisina upang suportahan ang economic pillar ng siyudad.
Mayroong 100 magsasaka at mangingisda ng siyudad ang nakilahok sa symposium na aktibong nakinig sa iprinisinta ng mga tagapagsalita, kabilang ang mga posibleng serbisyong kanilang makuha at posibleng merkado kung saan nila maaaring ikalakal ang kanilang mga produkto.
Kabilang sa kanilang keynote speakers sina Technology Transfer Services Division Chief Mr. Gerardo Dacayanan at Training Coordinator Ms. Delia Lopez na mula sa Sericulture Research and Development Institute – Don Mariano Marcos Memorial State University.
Kasama rin sa mga tagapagsalita sina Market Specialist Ms. Corazon Valdez ng Department of Agriculture Regional Field Office I at Aquaculturist II Ms. Regina Baltazar, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Dumalo rin sa symposium si City Administrator Col. Ramon F. Laudencia.
Kakabsat, ngayong buwan ng ating mga magsasaka at mangingisda, patuloy ang ating paghahanap ng oportunidad upang mas linangin ang kanilang kaaalaman at kakayahan tungo sa sabay-sabay at pantay-pantay na pag-angat ng lahat dito sa #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS