Ginanap ang kauna-unahang Virtual Christmas Tree Lighting Ceremony sa People’s Park Fountain Area via Facebook LIVE, kahapon December 10, 2020 kung saan binigyan ng pagkilala ang lahat ng mga frontliners na nagsilbing ilaw ng buong mundo laban sa pandemiya na dulot ng COVID-19. 

 

Sinindihan ang mga ilaw ng Christmas tree, at lahat ng Christmas lights na palamuti sa belen, City Hall, St. William Cathedral, Marcos Building at ang buong City Plaza.

 

Isa sa mga highlight ng programa ang pagtatanghal ng Friends in Harmony Chorale na binubuo ng mga doktor at health workers mula sa lungsod ng San Fernando. Bukod pa pala sa kanilang galing sa pag-aalaga ay mayroon din silang talento sa pagkanta. 

 

Ang munting Virtual Christmas Tree Lighting Ceremony ay payak ngunit makabuluhan dahil minabuti ng City Government na iparamdam ang tunay na diwa ng Pasko. Imbes na magkaroon ng magarbong pagdiriwang, binigyang importansya na lamang ang matulungan ang mga higit na naapektuhan ng pandemya at mga bagyo. 

 

Sa kanyang pamaskong mensahe, nagbigay naman ng inspirasyon si Manong Dong: “tonight, sapay kuma as we light this Christmas tree, may we give hope to everyone that these things will come to pass no anyaman apo iti pag lablabasan tayo malpas tomet laeng. This is the essence of Christmas apo daytoy panagpasangbay tayo iti pannakayanak ni apo tayo nga Hesu Kristo and gives us so much hope nga pumintas to met lang amin apo iti mapaspasamak ti panagbiyag tayo our Lord Jesus Christ will journey with us in to the new normal.”

 

Ang Virtual Christmas Tree Lighting Ceremony ngayong taon ay inaalay ng City Government para sa mga frontliners na naging matapang na harapin ang hindi nakikitang kalaban at protektahan ang People’s City. Nais namin na malaman niyo na kayo ang nagbibigay liwanag sa People’s City sa panahong ito. 

 

Nawa’y maging simbolo ng pag-asa para sa inyo ang bawat kislap ng mga ilaw na ito. Sa ating sama-samang paglaban, buo ang aming suporta para sa inyo,  upang sa ating muling pagtayo, #WalangMaiiwan.

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103