GRADUATION EXERCISE PARA SA 23 RESIDENT FARMERS NG BARANGAY PAO SUR

Kahapon, ika-3 ng Pebrero 2022, isinagawa ng City Government of San Fernando ang Graduation Exercise para sa 23 resident farmers ng Barangay Pao Sur kasama ang City Agriculturist Office.
Sumailalim ang resident farmers sa 16-week Season-Long Vegetables Farmer’s Field School (FFS) on Integrated Pest Management (FFS-IPM) and on Vegetable Production Cum Good Agricultural Practices (GAP) Training.
Kabilang sa kanilang training ang introduction sa biocontrol agents, kahalagahan ng pagkakaiba ng natural enemies at insect pests sa tomato plant, paggamit ng herbicides and pesticides, hand weeding, at pag-monitor ng stages sa paglaki ng tomato plant mula sowing hanggang harvesting.
Mahalaga ang programang ito upang matulungan ang mga magsasaka na makapag-ani ng mas maraming pananim ngayong panahon ng pandemya.
Kasama sa mga dumalo si Manong Dong na siyang nagbigay ng makahulugang mensahe tungkol sa patuloy na suporta ng City Government sa agricultural sector ng San Fernando City. Kasama rin niya sina Councilors Hon. Ernesto Rafon at Hon. Arnel Almazan, Barangay Officials, at Barangay Health Workers sa ilalim ng pamumuno ni Chairwoman Jessie Pacio.
Kakabsat, kaagapay niyo kami sa patuloy na pag-unlad ng #SanFernandoTayo! Congratulations muli sa ating mga magsasaka mula sa Pao Sur!








RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS