Nagpatawag si City Mayor Dong Gualberto ng emergency meeting kanina (November 26, 2020) kasama ang Local Inter-Agency Task Force (IATF) na pinangungunahan ng City Health Office (CHO), City Incident Management Team (IMT), kasama ang Department of Health Region 1, City DILG, City PNP, BFP at iba pang frontline departments upang  magkaroon ng mas pinaigting na mga aksyon upang tuluyan nang makontrol ang pagkalat ng COVID-19 virus sa siyudad pagkatapos nga magtala ng tumataas na bilang ng mga kaso ang lungsod kahapon. 

 

Kahit siniguro ng City Health Office na ang mga naitalang kaso ay mga close contact ng mga nauna nang naitalang pasyente at nasa Isolation Facility na bago pa lumabas ang resulta ng RT-PCR, sinabi ni Manong Dong na ‘hindi dapat tayo nagpapaka-kampante.’

 

Kasama sa napag-usapan sa pagpupulong ang pag-papaigting ng target testing capacity sa critical areas, pagbili ng additional 5000 RT-PCR kits, containment measure sa mga kritikal na mga barangays at pagpapalawak ng information dissemination ukol sa mga minimum health guidelines at quarantine protocols.

 

Bubuksan na rin ang PNP at OPS hotlines upang may mapagsumbungan ang mga taga-San Fernando kung sila ay may nakitang lumalabag sa mga health protocols kagaya ng hindi pagsuot ng mask at face shield o tahasang pagsuway sa 14-day quarantine ng mga suspected cases. Maaring i-report ang mga lumalabag sa mag numerong ito: 

 

PNP:

0915 558 8888 – GLOBE

0939 812 6888 – SMART

 

City Command:

0917 676 7673 – GLOBE

0928 522 0622 – SMART

 

Mggkakaroon din ng surprise random inspection sa mga establisyemento upang masigurong pinapatupad nila ang mga health protocols galing sa IATF.

 

Hinimok ni Mayor Dong na magtulungan at protektahan natin ang bawat isa sa pamamagitan ng pagsunot sa minimum health protocols. Ayon sa kaniya, “dapat may collective responsibility ang mga taga-San Fernando. Everyone needs to follow the minimum health protocols — not for ourselves, not just for our family but for everyone in San Fernando.”

 

Ang sabay-sabay nating pagtayo sa pandemiyang ito ay nakasalalay sa pagtutulungan ng bawat isa. Siguraduhin nating #WalangMaiiwan sa San Fernando. Labanan natin ang COVID-19 ng sama-sama. 

 

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103