Bilang pagsuporta sa gawain ng global public health community na panatilihing ligtas ang lahat ngayong may CoViD-19 health crisis at unified contact tracing strategy ng national government, hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente ng People’s City na magregister sa “StaySafe.ph” alinsunod sa  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) Resolution No. 85 at ng Resolution No. 962-2020 ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Provincial Government of La Union (PGLU).

 

Ang StaySafe.ph ay isang online community-driven social distancing system na kasalukuyang nasa ilalim ng Department of Information and Communications Technology. 

Ito ay mayroong:

 

Health and conditioning reporting system
Contact tracing system
Health and case management and mapping system
Social distancing notifications
Response system
Data entry and monitoring system
SMS blaster for IATF, NTF-COVID-19, DOH and DILG
Track and Trace Alarm an Notifications
Centralized admin access and analytics
COVID-19 worldwide updates
Health tips and reminders

 

Libre ang pagregister sa system na ito para maaari nang ireport ng mga mamamayan ang kanilang health conditions ngayong panahon ng pandemya. Ito ay makatutulong sa mga awtoridad na mas mapaigting pa ang pag-iwas sa pagkalat ng CoViD-19. Inaasahang sa pamamagitan nito, magiging ligtas at malusog ang buong Pilipinas. 

 

Magregister na sa “StaySafe.ph” at sama-sama nating panatilihing ligtas at malusog ang People’s City. #WalangMaiiwan.

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103