Hindi muna kasing-garbo nang nakasanayan ang magiging pagdiriwang ng Pasko sa San Fernando ngayong taon upang masiguro ang kaligtasan ng buong komunidad. 

Sa isang panayam kasama ng GMA Regional TV, inudyok ni Mayor Dong ang lahat na magdiwang nang payak at ligtas: “tayo po ay naniniwala na kahit simple lang ang pagdiriwang ng Christmas, pwede pa rin nating i-celebrate ang pagdating ng ating poong Hesukristo by being safe with our families.” 

Toned down man ang Christmas celebrations sa lungsod ngayong taon, mayroon pa ring inihandang programa ang lokal na pamahalaan para sa lahat. 

Mamayang alas-sais ng gabi ay mapapanood nang live sa City Government of San Fernando ang kauna-unahang Virtual Christmas Tree Lighting Ceremony na alay sa ating magigiting na frontliners. 

Hinihiling ng lokal na pamahalaan ang pag-unawa at kooperasyon ng bawat isa sa pagdiwang ng kapaskuhan nang ligtas. 

Inilabas na ng Office of the City Mayor ang EO 155-2020 na nagdedetalye ng guidelines sa pagdaraos ng kapaskuhan ngayong taon. Mababasa ito sa https://bit.ly/EO155-2020.

Ang pinakamakabuluhang regalong maaari nating ibigay sa isa’t-isa ngayong taon ay ang kaligtasan mula sa COVID-19 kaya naman po ay sumunod tayo sa health and quarantine protocols. 

#SanFernandoTayo

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103