TULONG PINANSYAL SA SAN FERNANDO, HANDOG NG CSFLU ASSOCIATION-USA

Nagbigay ng check donation ang City of San Fernando La Union (CSFLU) Association – USA sa City Government bilang karagdagang tulong sa mga isinasagawang relief operations sa siyudad noong Agosto 5, 2025.

 

Upang pormal na ipaabot ang kanilang tulong, nagtungo ang kinatawan ng CSFLU Association – USA sa tanggapan ni City Mayor Hermenegildo A. Gualberto.

 

Binati at pinasalamatan naman ni Manong Dong ang lahat ng bumubuo ng kanilang asosasyon sa hangarin nilang tumulong sa pagbangon ng siyudad.

 

Samantala, saksi rin sa turn-over ceremony sina City Social Welfare and Development Officer Ms. Rosenda A. Liwanag, City Disaster Risk Reduction Management Officer Ms. Julie Ann B. Hipona-Sias, at Ms. Debbie N. Abalos mula sa Office of the City Treasurer.

 

Maraming salamat, CSFLU Association – USA!

Patuloy na pinagbubuklod ng bayanihan at pagkakawanggawa ang #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo nasaan mang panig ng bansa at mundo ang ating kakabsat.

RECENT POSTS