ISA SA PINAKAMALAYONG BARANGAY NG SAN FERNANDO, BINISITA NG TASK FORCE UMISU

Upang matugunan ang pangangailangan ng malalayong barangay, pinangunahan ni Manong Dong ang pagbisita at pagbigay ng tulong ng Task Force UMISU o Umay Mangted iti Sungbat sa 91 na indibidwal ng Barangay Bangbangolan.
Kasama ang mga kinatawan sa iba’t ibang opisina tulad ng Office of the City Mayor, City Health Office, City Social Welfare and Development Office, City Engineering, City Agriculture, Barangay Officials at Barangay Health Workers, nagbigay sila ng food packs, dental kits, butong pananim, at libreng checkup para sa matatanda at iba pang residenteng nangangailangan nito.
Maliban dito, binigyang-payo ng kasamang doktor ang matatandang may mataas ang presyon na bantayan ito at inabisuhang magpunta sa barangay clinic kung sumama ang kanilang pakiramdam dahil dito. Dagdag pa rito, sinuri ang mga daan at daluyan ng tubig papunta sa kabahayan na kailangang mapaayos at pagandahin.
Isa ang Bangbangolan sa pinakamalalayong barangay sa San Fernando na siyang matatagpuan sa mabundok na bahagi ng siyudad. Bukod sa liblib ang lugar at halos magkakalayo ang mga bahay, matarik din ang daan ng mga residente kahit pa man sementado. Ito rin ang kailangan nilang lakarin paakyat upang marating ang main road at bumaba muli upang makauwi.
Kakabsat, patuloy lang ang pagtulong ng Task Force UMISU hanggang sa maabutan ng tulong at serbisyo ang lahat ng barangay sa siyudad. Pangunahing prayoridad ng proyekto ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan para sa bawat isa dahil isa itong mainam na hakbang patungo sa tuloy-tuloy na pagbangon ng #SanFernandoTayo!





RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS