Kabataang magsasaka, nabigyan ng training sa mushroom processing upang maging kabuhayan

Sa huling araw ng training nitong Oct. 21 na hatid ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute Regional Training Center (DA-ATI) at City of San Fernando sa kabataang magsasaka na miyembro ng 4-H Club, aktwal na itinuro ang mushroom processing upang mapagkakitaan bilang kabuhayan.

Sa tulong ni Chef Mayeth Navasca ng Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU), naituro sa mga kalahok kung paano magproseso at magluto ng tocino, dumplings at chicharon na gawa lahat sa mushroom.

Maliban sa libreng training, nagbigay din ang DA-ATI ng libreng kagamitan gaya ng steamers, heavy duty burner, oven, plastic boxes, foldable tables, weighing scales, at iba’t-ibang kitchen utensils. Nagpamahagi din sila ng 500 piraso ng mushroom fruiting bags upang makatulong sa pagsisimula ng mushroom production.

Sa pagtatapos ng kanilang training, nakatanggap din ang mga kalahok ng Certificate of Training mula sa DA-ATI.

Sa pagtutulungan ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno at City Government, asahang magpapatuloy sa gitna ng pandemya ang mga programang para sa ikauunlad ng ating kabataaan at kani-kanilang pamilya rito sa #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS