ANYANGAY: Kabilang sa ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ng San Fernando, La Union sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang pagbebenta ng mga ambulant vendors alinsunod sa Executive Order No. 85 Section VII.

Apat na ambulant vendors ang nahuli sa Central Business District ngayong araw, Hulyo 24, 2020 sa mas pinaigting na operasyon ng Office for Public Safety.

Ang sinumang lumalabag sa panuntunang ito ay papatawan ng mga sumusunod na parusa:

*1st offense: multa na nagkakahalaga sa Php 1000

*2nd offense: pag-impound ng mga kagamitan.

Para matiyak ng lokal na pamahalaan ang kaligtasan sa pagpapatupad ng ECQ, hinihingi ng lokal na pamahalaan ang pag-unawa, kooperasyon at disiplina ng mga residente. Sama-sama tayong umaksyon upang mapigilan ang pagkalat ng CoViD-19 sa ating siyudad.

* Para sa kaalaman ng nakararami, maraming beses nang kinausap at pinaalalahanan ang mga ambulant vendors na bawal ang nasabing aktibidad. Hinikayat din sila ng Local Economic and Business Development Office (LEBDO) na lumipat sa mga talipapa sa barangay para doon na lamang magbenta. Nagkaroon din ng pagpupulong kasama ang mga ambulant vendors bago ECQ. Sinisikap ng ating OPS enforcers na palawigin ang pag-unawa at pasensiya para sa ating mga kababayan na nagbabanat ng buto. Ngunit dahil ipinagbabawal ito ngayong ECQ, kailangang ipatupad ang mga nakasaad ayon sa ordinansa ng lungsod.

(Photos from Office for Public Safety)

*This post has been updated.

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103