Sa inaasahang pagsisimula ng epekto ng Bagyong #RollyPH sa Northern Luzon ngayon gabi, siniguro ng City Government of San Fernando ang lagay at kahandaan ng mga coastal communities ng lungsod.

Pinangunahan ni City Mayor Alf Ortega ang pagbisita sa mga barangay upang personal na makita at malaman ang kani-kanilang kondisyon at pangangailangan.

Pagkatapos ng maikling operations briefing ng City Incident Management Team (IMT) sa pinakahuling lagay ng panahon dulot ng bagyo, binaybay ni Mayor Alf ang mga coastal barangay kabilang ang Dalumpinas Oeste, Lingsat, Carlatan, Pagdaraoan, Ilocanos Norte, Ilocanos Sur, Catbangen, Poro, San Agustin, Canaoay, San Francisco, San Vicente, Pagudpud at Pagdalagan. Kasama rin sa mga nabisita ang mga Barangay Sevilla, Cabaraoan at Tanqui na natukoy nilang high risk communities dahil sa posibleng pagbaha doon.

Ilan sa mga binigyang diin ni Mayor Alf ang 24/7 na nakaantabay na responders sa mga barangay hall, paghahanda ng mga opisyal sa posibleng evacuation ng mga maaapektuhang pamilya at pagbabawal ng anumang aktibidad sa tabing dagat. Pinapaalalahanan din ang mga komunidad sa patuloy na pagsunod sa minimimum health standards laban sa CoViD-19.

Pinangunahan naman ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang pamamahagi ng relief goods na nakalaan sa mga matutukoy ng barangay na mga frontliner at volunteer.

Sa pagtatapos ng pagronda, tiwala si Mayor Alf sa kahandaan ng mga nabisitang mga barangay. Ayon sa kanya, nagkaroon na ng maayos at magandang sistema ng pagiging #LagingHanda ang mga komunidad ng #SanFernandoAyayatenKa dahil sa mga napagdaanang kasanayan at karanasan ng lungsod.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Signal No. 1 sa probinsiya ng La Union, kasama na dito ang lungsod ng San Fernando.

(Sulat ni Jeddahn Rosario)
(Mga litrato ni Erwin Beleo)

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103