Kahilingan ng Barangay Sacyud, Susuriin ng Pamahalaang Lungsod

Naiparating ng mga residente ng Barangay Sacyud ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan para sa pagpapabuti ng komunidad sa isinagawang Town Hall Meeting sa kanilang barangay noong Oktubre 27, 2026.

Kabilang sa mga ipinahayag ng mga residente ang kanilang mga alalahanin tungkol sa mga pasilidad ng barangay tulad ng reading hub, chapel, at multipurpose facility.

Dagdag pa rito, inilapit din ng mga magsasaka ang kahilingang mabigyan ng power sprayer para sa kanilang episyanteng pagsasaka, at ang pagkakaroon ng water tank o reservoir na maaaring mapakinabangan ng mga kabahayan pagdating ng inaasahang tagtuyot.

Nakiisa sa talakayan ang mga kinatawan ng mga kinauukulang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod upang magbigay ng impormasyon at magpaliwanag sa mga kinakailangang proseso.

Samantala, rerepasuhin at sasailalim naman sa assessment ang mga kahilingang binanggit upang matukoy ang pagiging angkop ng mga ito at mailaan ang sapat na pondo para rito.

Aramidentayo ti kabaelan tayo, kakabsat, tapno maipaay ti kasapulan ti tunggal komunidad ditoy #PeoplesCity ti #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS