KALAGAYAN NG BARANGAY NAGYUBUYUBAN, KINUMUSTA NI MANONG DONG

Nakatanggap ng agarang tulong ang mga pamilyang naapektuhan ng pagguho ng lupa sa Barangay Nagyubuyuban, kabilang ang Family Food Packs (FFPs) at sleeping kits, nitong ika-11 ng Agosto, 2026.

Personal na nagtungo sa lugar si City Mayor Hermenegildo A. Gualberto kasama ang mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) upang makita ang kalagayan ng mga residenteng naapektuhan ng insidente.

Kinausap ni Mayor Dong ang mga pamilyang nananatili pa rin sa kanilang mga tahanan at hinikayat silang lumikas muna para sa kanilang kaligtasan.

Tiningnan din ng grupo ang kalagayan ng Nagyubuyuban Road, Purok 5, na napinsala dahil sa paggalaw ng lupa. Isinagawa ang pag-iinspeksiyon upang makita ang lawak ng pinsala at matukoy ang mga kinakailangang hakbang para sa kaligtasan ng mga residente at mga dumaraan sa lugar.

Kakabsat, makiisa tayo sa mga hakbang pangkaligtasan at makinig sa mga abiso ng mga awtoridad upang maiwasan ang panganib at mapangalagaan ang bawat isa dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS