KALINGA PARA SA SIYUDAD, HATID NG SIKH COMMUNITY

Dinala ng Guruduwara Guru Nanak Niwas, Sikh Community ng siyudad ng San Fernando, La Union, ang kanilang donasyon sa City Government noong Hulyo 30, 2025.

Kaugnay nito, tinanggap ng City Social Welfare and Development Office ang kanilang donasyon na bigas, noodles, at tubig habang nagtulong-tulong ang mga empleyado na dalhin ito sa loob ng City Hall.

Naroon din upang tanggapin at magpasalamat sa Sikh Community sina City Vice-Mayor Hon. Pablo C. Ortega, Ms. Rosenda A. Liwanag, City Social Welfare and Development Officer, Mr. Roderic D. Gacayan, Officer-in-Charge ng City General Services Office, at Ms. Julie Ann B. Hipona-Sias, City Disaster Risk Reduction Management Officer.

Agyaman kami kadagiti kakabsat mi iti Sikh Community!

Ang inyong inisyatiba ay nagsisilbing larawan ng nagkakaisang komunidad anuman man ang ating pagkakaiba bilang #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS