KAPAKANAN NG MGA BAYBAYING KOMUNIDAD, ISINUSULONG SA LA UNION
Sa kabila ng pambansang usapin tungkol sa West Philippine Sea (WPS), sinimulan namang planuhin ng Provincial Government of La Union (PGLU) at ng Pamahalaang Lungsod ang Three-Year Action Plan ng Provincial WPS Council ng La Union para sa pagsulong ng kapakanan ng mga baybaying komunidad noong Agosto 20, 2026.
Nagtulungan at nagkaisa ang grupo sa pagtukoy ng mga hakbang na makatutulong sa ikabubuti ng mga apektadong komunidad.
Natukoy mula sa aktibidad na ito ang mga lokal na pananaw at mungkahi sa mga ipapatupad na proyekto, mga prayoridad na programa, at pagsasaayos ng mga hakbang tungo sa mas pinaunlad na kaalaman at kaligtasan ng mga mamamayan.
Sa pangunguna ng PGLU, nakilahok sa talakayan ang City Environment and Natural Resources Office, City Agriculture Office, City Public Employment Service Office, Cooperative Development Office, Local Economic and Business Development Office – Tourism and Cultural Affairs Division, City Information Office, City Social Welfare and Development Office, City Budget Office, City Planning and Development Office, at City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Kabilang din sa diskusyon si City Councilor Hon. Leonardo R. Soriano, Jr. at mga tanggapan ng Department of the Interior and Local Government at Philippine Coast Guard – City of San Fernando Station.
Isinasagawa ang pagbuo ng Action Plan alinsunod sa Provincial Ordinance No. 477-2025 na nagtatag sa Provincial WPS Council at Technical Working Group nito. Ayon sa PGLU, mahalaga ang partisipasyon ng mga lokal na pamahalaan sa inisyatibong ito dahil sila ang makapagbibigay ng mga rekomendasyon at sectoral inputs na magsisilbing batayan sa pagbuo ng naturang Action Plan.
Sa usaping WPS, kabilang ang #PeoplesCity sa mga kumakalinga at naninindigan para sa kapakanan ng mga pamayanang baybayin, hindi lamang dito sa #SanFernandoTayo at La Union, kundi sa buong Pilipinas.












RECENT POSTS

Tulong para iti pagbiagan, naited kadagiti 13 CBDRP graduates ken pamilyada

Produkto ken turismo ti San Fernando, impakaammo sadiay Manila

125 nga ubbing nga addaan kapansananda, nakaawat iti tulong para panagadalda

Rehistrado nga mannalon ditoy siyudad, nakaawat iti naduma-duma nga alikamen iti panagtalon

Kinatalged dagiti komunidad, gapu ti napapigsa a pannakaikaysa dagiti militar ken umili
