UNANG BATCH NG FAMILY FOOD PACKS, IPINADALA NG DSWD SA SIYUDAD NG SAN FERNANDO, LA UNION
Bilang tugon sa patuloy na pangangailangan ng mga nasalanta ng nakaraang bagyo, ipinadala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga truck na naglalaman ng 23,600 family food packs (FFPs) sa siyudad ng San Fernando, La Union kagabi, Agosto 5, 2025.
Kaugnay nito, pinangasiwaan ng DSWD Field Office 1 – Ilocos Region kasama ng mga uniformed personnel, ang pagdiskarga ng FFPs sa mga patrol vehicle ng barangay upang i-turnover ang FFPs sa barangay council ngayong araw, Agosto 6, 2025.
Kabilang sa unang nakatanggap ng donasyon ang barangay Canaoay, Catbangen, Lingsat, Poro, Sevilla, at Tanqui kaninang umaga sa harap ng City Hall.
Pagsapit naman ng hapon, ipinagpatuloy ang pagdiskarga ng family food packs para sa Barangay I, Bangcusay, Bungro, Cabaroan, Carlatan, Ilocanos Norte, Ilocanos Sur, Mameltac, Pagdalagan, Pagdaraoan, Pagudpud, San Francisco, San Vicente, at Tanquigan na isinagawa sa warehouse ng DSWD sa barangay Biday.
Samantala, isasagawa ang distribusyon ng FFPs sa bawat barangay kasama ang DSWD Field Office 1 – Ilocos Region at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) upang matiyak ang kaayusan nito.
Ayon din sa CSWDO, makatatanggap ang iba pang mga barangay sa susunod na batch ng FFPs na manggagaling pa rin sa DSWD.
Maraming salamat, DSWD!
Malaking tulong ang inyong ibinahagi upang higit na maramdaman ng #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo ang maagap na pagkalinga ng gobyerno sa panahon ng kalamidad at pagbangon.







































RECENT POSTS

128 YEARS OF FREEDOM: CITY CELEBRATES PHILIPPINE INDEPENDENCE DAY 2026

SAN FERNANDO JOINED HUMAN RIGHTS CITIES TRAINING WORKSHOP

CGSFLU HOLDS GRAND L.E.T.R.A. FOR CHILDREN FROM BARANGAYS ILOCANOS NORTE, ILOCANOS SUR

PERSONS WITH DISABILITIES UNDERGO BUSINESS EXPENSE TRAINING WITH DTI

PAKSEAW TOUR HIGHLIGHTS SAN FERNANDO SEAFOOD, COASTAL TOURISM
