IKALAWANG BATCH NG FAMILY FOOD PACKS MULA SA DSWD, IPINAMAHAGIN SA 31 BARANGAY

Dumating na ang ikalawang batch ng Family Food Packs (FFPs) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sinimulang ipamahagi sa mga barangay kahapon, Agosto 8, 2025.

 

Kasunod ng pagdating nito, agad na ibinaba mula sa mga truck ang 12,250 FFPs at ipinagkatiwala sa 31 barangays. Ang mga barangay na ito ay ang mga natirang barangay na hindi pa nakakuha ng donasyon noong Agosto 6, 2025, kung kailan natanggap ng siyudad ang unang batch ng FFPs mula sa DSWD.

 

Ikinarga naman ng mga barangay council sa kani-kanilang mga patrol vehicle, truck, at jeep ang mga natanggap na donasyon upang mai-distribute na ito sa mga residente ng kanilang barangay.

 

Dagdag pa rito, tumulong din ang Philippine Navy, Philippine National Police, at City General Services Office habang nangasiwa naman ang DSWD, katuwang ang CSWDO, sa maayos na pagbibigay ng FFPs.

 

Muli kaming nagpapasalamat, DSWD!

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong patuloy na suporta sa pantay-pantay at sabay-sabay na pagbangon ng #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS