
Matapos ang ilang buwang pagsubaybay at operasyon ng Task Force African Swine Fever ng lokal na pamahalaan ng San Fernando, La Union ay handa ng magsumite ang Office of the City Veterinarian sa paghingi ng clearance sa Department of Agriculture na ligtas na sa African Swine Fever (ASF) ang buong lungsod partikular ang Barangay Cadaclan – ang barangay na nakitaan ng ASF sa lungsod.
Sa pagsusuring isinagawa ng City Vet Office lumitaw na negatibo na sa virus ang nasabing barangay sa nakalipas na tatlong buwan matapos nilang isagawa ang 90 days eradication ng mga apektadong baboy sa ASF.
Higit pa riyan ay nagsagawa rin ang Task Force-ASF ng iba’t-ibang hakbang ayon sa protocols ng DA upang malimitahan ang pagkalat ng virus kasama na dito ang agarang disinfection sa 1km. radius area at surveillance sa 7km radius area mula sa Ground Zero o pinagmulan ng ASF.
Bilang tulong sa mga naapektuhan na hog-raisers ay nagbahagi ang City Government of San Fernando at Provincial Government of La Union ng financial assistance noong Marso, 2020. Bukod sa nasabing assistance ay naaprubahan na rin ang indemnification fund mula sa Department of Agriculture Main Office sa halagang Php5,000.00 sa bawat baboy at inaasahang maibigay sa mga susunod na araw.
Samantala, patuloy namang binabantayan ng City Vet isang lugar sa Barangay Cabaroan matapos makatanggap ng report mula sa ilang concerned hog raisers sa pagkakasakit ng mga alaga nilang baboy.
Nagbigay rin ng rekomendasyon ang Task Force – ASF sa isinagawang pagpupulong noong ika-19 ng Mayo, 2020 sa pag-implement ng guidelines para sa mga backyard hog raisers. Isa sa mga napag-usapang patnubay ay ang istriktong implimentasyon ng sanitation o pagpapanatili ng kalinisan sa mga kulungan ng baboy.
Patuloy namang nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng mga hakbang upang hindi na muli manumbalik ang kaso ng virus sa ating siyudad. Ayon kay Dr. Flosie Decena, City Veterinarian, ay inaasahang maaalis na ang ‘red code’ status ng ASF sa ating lungsod matapos ang pagsu-sumite ng ASF initial report sa Department of Agriculture. Bagamat hindi pa natatapos ang pangambang dulot ng ASF sa ating bayan ay hinihikayat ng City Veterinary Office ang mga hog raisers na makipag-ugnayan o mag-report sa kanilang tanggapan kung may kakaibang karamdaman ang mga baboy o nagpapakita ng sintomas ng ASF.
Mas paiigtingin pa ang pagbabantay ng lokal ng pamahalaan ng San Fernando laban sa banta ng ASF. Hindi titigil ang lokal na pamahalaan sa pagkilos at pagsasagawa ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Kwento ni Shairalene Guerrero;Litrato ni Clifford Mercado
RECENT POSTS
Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102
Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS