KICK-OFF NG NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK, NAGPATIBAY NG SUPORTA PARA SA MGA PERSONS WITH DISABILITY
Nakinabang ang mga Persons with Disabilities (PWDs) sa mas malawak na kaalaman sa kanilang mga karapatan, mga programang nagpapaunlad ng kanilang talento at pagkatuto, at mas matibay na suporta mula sa iba’t ibang sektor sa kick-off program ng National Disability Rights Week na ginanap sa SM City La Union noong Hulyo 20, 2026.
Bilang bahagi ng programa, tumanggap ang mga SPED learners ng educational at manipulative toys at mga instrumentong pangmusika upang higit pang mapaunlad ang kanilang pagkatuto at malikhaing kakayahan. Nagsagawa rin ng talakayan hinggil sa Disability Rights, mga umiiral na batas, at mga legal na proteksiyon para sa mga Persons with Disabilities upang higit nilang maunawaan at maipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Ipinamalas din ng mga kalahok ang kanilang husay at kakayahan sa Disability Got Talent, habang opisyal namang inilunsad ni City Councilor Hon. Kyle Marie Eufrosito Y. Nisce ang Persons with Disability Code na isang mahalagang hakbang upang higit pang mapagtibay ang mga polisiya, programa, at serbisyong nagtataguyod sa kapakanan ng sektor ng Persons with Disabilities sa lungsod.
Dumalo sa programa sina City Mayor Hermenegildo A. Gualberto na kinatawan ni Executive Assistant II Ms. Valerie S. Galvez, City Local Government Operations Officer Atty. Patrick Jorge C. Sibayan, Regional Prosecutor ng Region I Mr. Christian Paul L. Ulipindo, Pangulo ng Integrated Bar of the Philippines La Union Chapter Atty. Myra-Diwata A. Rivera-Caroy, City Councilors Hon. Ramon R. Laudencia at Hon. Leonardo R. Soriano, Jr., at Schools Division Superintendent Dr. Nestor Herania ng Schools Division Office La Union.
Nakiisa rin sa programa ang Department of the Interior and Local Government – City of San Fernando, City Health Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Department of Health Office, Office of the Regional Prosecutor ng Department of Justice, Philippine Information Agency La Union, Integrated Bar of the Philippines La Union Chapter, Philusa Corporation, SM City La Union, at Bombo Radyo La Union.
Kakabsat, napateg ka! Sa sama-samang pagkilos ng pamahalaan at komunidad, patuloy na itinataguyod ang isang inklusibo at mapagmalasakit na #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.






























