Laing ken inobasyon dagiti agtutubo iti agrikultura ken pangngalap
Nabigyan ng pagkakataon ang kabataan na maipamalas ang kanilang husay, pagkamalikhain, at mga makabagong ideya para sa agrikultura at pangisdaan sa isinagawang Agri-Fishery Innovation Challenge for Youths noong Setyembre 11, 2026.
Lumahok ang anim na pampublikong high school at 4-H Clubs sa lungsod sa apat na kategorya kung saan naipakita ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan sa pagbuo ng mga makabagong produkto, solusyon, at kuwentong nagbibigay-halaga sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Sa Agri-Tech Product Pitch Challenge (Farming Category), itinanghal na winner ang San Fernando South Central Integrated School (SFSCIS). Sa Fishery Category naman, nagkamit ng unang puwesto ang SFSCIS, habang pumangalawa ang Lingsat Integrated School.
Nanguna rin ang SFSCIS sa Value Addition & Agri-Fishery Product Innovation, sinundan ng Nagyubuyuban Integrated School sa ikalawang puwesto, La Union National High School (LUNHS) -Sacyud Annex sa ikatlo, at Dr. Quintin Balcita Sr. National High School sa ikaapat.
Sa Agri-Tale Contest, nagwagi naman ang Pao National High School sa unang puwesto, habang pumangalawa ang LUNHS-Sacyud Annex, pumangatlo si Ms. Crisha Nica Cabanban, at nakamit ng Dr. Quintin Balcita Sr. National High School ang ikaapat na puwesto.
Sa pangunguna ng City Agriculture Office, nabibigyan ang kabataan ng pagkakataong makalikha ng mga praktikal na ideya na maaaring makatulong sa mga magsasaka, mangingisda, at lokal na komunidad. Layunin din ng programa na mahubog ang kabataan bilang mga aktibong innovator, entrepreneur, at katuwang sa pagsusulong ng food security, climate resilience, sustainable livelihoods, at pag-unlad ng lokal na ekonomiya.
Pabilegen tayo dagiti agtutubo a mangpataud iti baro nga ideya ken gundaway para iti napinpintas a masakbayan ti agrikultura ken pangngalap ditoy #PeoplesCity ti #SanFernandoTayo.









RECENT POSTS

Serbisyong San Fernando, dinala sa Barangay Dallangayan Este, Abut, at Cabaroan

Patuloy ang pagsuporta para sa mas masaganang palaisdaan

Balligi para iti panangitandudo iti agpapada a karbengan ken panagkaykaysa

Suhestiyon ken kasapulan ti Barangay Saoay, naiparang iti Town Hall Meeting

Panagkakaysa para iti nadalus ken natalged nga baybay tayo
