Libreng serbisyo, iniabot sa 68 benepisyaryo sa Barangay Sevilla
Bilang patuloy na pagsuporta sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga mamamayan, umabot sa 68 benepisyaryo mula sa Barangay Sevilla ang nakatanggap ng iba’t ibang tulong sa ilalim ng programang Umay Mangted Iti Sungbat (UMISU) noong Oktubre 13, 20, at 22, 2026.
Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod at sa pakikipagtulungan ng mga volunteer second-year nursing students mula sa Union Christian College, direktang inihatid sa mga tahanan ng mga benepisyaryo ang libreng konsultasyon, mga libreng gamot, bigas, groceries, at hygiene kits.
Bukod sa mga relief at medical supplies, pinangunahan din ng Office of the City Mayor ang pamamahagi ng mga assistive devices para sa mga residenteng lubos na nangangailangan nito.
Samantala, umalalay naman ang City Persons with Disability Affairs Office upang matulungan ang ilang residente sa pagproseso at pagkuha ng kanilang Persons with Disability ID.
Nakatakda rin namang bisitahin ng Task Force UMISU ang iba pang mga barangay sa siyudad upang iabot ang tulong at serbisyo sa mas marami pang mamamayan.
Adda serbisyo nga maidanon para kanyayo, kakabsat.
Agtultuloy latta ti pinangpasayaat iti kasasaad ti tunggal maysa ditoy #PeoplesCity ti #SanFernandoTayo.























































RECENT POSTS

Serbisyong hatid sa mga residente ng Barangay Sacyud at Tanqui

Kahilingan ng Barangay Sacyud, Susuriin ng Pamahalaang Lungsod

Suportado ng Lungsod ang mas malusog na mga Batang San Fernando

Subok ang talas at tatag ng Barangay Responders sa Grand Rescue Olympics 2026

Young Entrepreneur Summit 2026: Pinalawak ang pananaw ng mga mag-aaral sa pagnenegosyo
