Mas pinaigting natin ang ating contact tracing dito sa San Fernando para mas matiyak ang kaligtasan ng komyunidad. Dahil sa Intensified Contact Tracing Activity na isinasagawa ng ating City Health Office at City Incident Management Team ngayong buwan dahil na rin sa mahigpit na utos ni Manong Dong, agad na natutukoy ang lahat ng mga close contacts ng mga naunang nagpositibo sa COViD-19 dito sa ating siyudad. Ito ang dahilan kung bakit tumataas ang nairereport na kaso ng mga nagpositibo sa COViD-19.  Nagdeploy tayo ng 59 contact tracers sa ating lungsod sa tulong ng Department of Interior and Local Government (DILG). Dahil mas marami na ang contact tracers, mas mabilis na nating naisasailalim sa RT-PCR at naa-isolate ang mga close contacts. Sa pag-isolate sinisigurong wala silang ibang maaaring hawaan makumprima man na positibo o negatibo ang resulta ng  kanilang  RT-PCR.

 

Dagdag pa rito ay ang ating maingat na proseso sa border control protocols. Lahat ng mga pumapasok na Locally Stranded Individuals (LSIs) ay agad na hinahatid sa isa sa mga Isolation Facility ng lungsod at isinasailalim sa RT-PCR para makasigurong sila ay COViD-19 free. Sila ay sasailalim sa 14 days quarantine bago makauwi sa kanilang mga tahanan. Sa ganitong paraan mabibigyan ng proteksyon ang kanilang pamilya at ang buong komunidad.

 

Ang City of San Fernando ay isa lamang sa mga unang lungsod sa bansa na nagbibigay ng libreng RT-PCR para sa mga LSIs.

 

Ngunit pinapaalalahan ang lahat na ang kolektibong paglaban natin sa COVID-19 ay mahalaga.

 

Sama-sama tayong maging mahinahon at patuloy na magsuot ng tamang PPE, maging malinis sa katawan, at panatilihin ang social distancing para hindi kumalat ang virus.  Sabay-sabay tayong tatayo sa pandemiyang ito

 

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103