CSFLU, MULING NAKATANGGAP NG DONASYON PARA SA MGA NASALANTA NG BAGYO

Nagbigay ng 400 sako ng 5-kilogram na bigas ang Ynad’s Place Hotel and Resort, ECDI Engineering and Construction, at Racaba Construction and Trading Inc. sa tanggapan ng pamahalaang lungsod kahapon, August 4, 2025.

 

Buong pasasalamat namang tinanggap ni City Mayor Hermenegildo A. Gualberto, City Councilor Hon. Ramon F. Laudencia, at City Social Welfare and Development Officer Ms. Rosenda A. Liwanag ang mga donasyong ipapamahagi sa mga residenteng nasalanta ng bagyo dito sa ating siyudad.

 

Maraming salamat, kakabsat!

Sa bawat donasyong inyong ipinagkakaloob, unti-unti nating natutulungang makabangon ang bawat isa dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS