LOKAL NA PAMAHALAAN NG SAN FERNANDO, SPECIAL AWARDEE NG ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL

Ginawaran ng gantimpala ang San Fernando ng Anti-Drug Abuse Council para sa pagpapanatili ng Drug-Cleared Status ng mga apektadong barangay, at lagay ng mga di-apektadong barangay.  

Ang ADAC Special Awards ay naglalayong kilalanin ang mga lokal na pamahalaan at civil society organizations na napagtatagumpayan ang pagsupil sa problema ng droga sa kani-kanilang lugar, kasabay ng kampanya ng pambansang gobyerno laban sa droga.

Ginanap ang seremonya ng pagpaparangal online noong ika-18 ng Disyembre sa Facebook page ng DILG Philippines.

Simula 2016 ay pinaigting ng lokal na pamahalaan ng San Fernando ang pagtugon nito sa problema ng droga sa pamamagitan ng Lakas ng Pagbabago Community-based Rehabilitation Program. 

Pangako ng City Government ang patuloy na pagtulong sa ating mga kababayang nalulong sa droga, upang makabangon sila at makapamuhay nang masagana at masaya. Ditoy #SanFernandoTayo, #WalangMaiiwan!

Maaaring mapanood ang awarding ceremony sa link na ito: https://www.facebook.com/watch/live/?v=220493656255010&ref=watch_permalink

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103