
Kahapon, Agosto 4, 2020, ay naitala ang pitong (7) panibagong kaso ng CoViD-19 sa Lungsod ng San Fernando, La Union kung saan lahat ay nagmula sa Barangay San Agustin. Ito ay dala ng mass testing operation na kasalukuyang isinasagawa sa dalawang critical zones ng nasabing Barangay. Dahil dito ay nagkaroon ng agarang pagpupulong sa pamumuno ng City Government kasama ang mga opisyal ng Barangay at City Philippine National Police (PNP).
Bilang tugon sa biglaang pagtaas ng positive cases, napagdesisyunan ng lokal na pamahaalan na paigtingin ang preventive measures at quarantine points ng Barangay, pati na ang agarang pagsasailalim sa buong Barangay sa Heightened Community Quarantine (HCQ).
Nagbigay na rin ng direktiba si Mayor Alf Ortega na tutukan at siguraduhin ng lokal na pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng humigit kumulang 731 na apektadong pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods at iba pang pangangailangan. Nagkaroon na rin ng inisyal na pag-uusap ang City Government at ang Provincial Government of La Union (PGLU) sa pagsasagawa ng mass testing sa buong barangay at sa pamimigay ng karagdagang relief goods.
Ginagawa ng City Government ang lahat ng makakaya nito upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa ating komunidad. Sa ating pagkakaisa at pagtutulong-tulong ay tiyak na mapagtatagumpayan natin ang labang ito. Patuloy pa rin nating ipakitang #SanFernandoAyayatenKa
(Kuwento ni Ezia Arela Ibay)
(Litrato ni Adrian Sebastian)
RECENT POSTS
Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102
Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS