MA-CHO TEMPLE

Ang kauna-unahang Taoist Temple sa buong Pilipinas na may taas na katumbas ng pitong palapag na gusali at 70 feet above sea level — ay matatagpuan dito sa San Fernando City!
Ang Ma-Cho Temple ay ipinatayo noong 1975 sa pangunguna ni Tourism Minister Jose D. Aspiras, kasama ang kooperasyon ng Chinese community.
Kabilang sa mga atraksyon ng Temple ang Majestic Five Door Gate, golden emblem ng dragon, bell tower, drum bamboo garden, at iba’t ibang estatwa ng mga hayop na pinaniniwalaang good luck charms. Ang tourist destination na ito ay hindi lamang para sa mga Taoist devotees kundi para sa lahat — dahil marami ding mga taong iba’t ibang relihiyon ang pumupunta sa Temple.
Matatagpuan ang Ma-Cho Temple sa Barangay I, City of San Fernando. Pinapaalalahanan ang lahat ng mga nais bumisita rito na istriktong sumunod sa minimum public health standards upang mapanatili ang kaligtasan ng bawa’t isa.
Kakabsat, hindi lang natin dapat aalalahanin ang ating kasaysayan, bagkus ito’y dapat rin nating itatak sa ating mga puso bilang isang #SanFernandoTayo!



RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS