Maawat nga dagus dagiti dadduma nga kasapulan ti Barangay Birunget

Ipinarating ng 107 residente ng Barangay Birunget ang kanilang mga hinaing at pangangailangan sa kanilang komunidad sa isinagawang Town Hall Meeting sa kanilang barangay noong Setyembre 15, 2026.

Isa sa mga pangunahing pangangailangan na inilapit ng mga residente ay ang pagkakaroon ng suplay ng tubig. Bilang tugon, magpapadala ang Pamahalaang Lungsod ng mga jetmatic at water hose sa barangay sa loob ng tatlong araw upang agad na magkaroon ng karagdagang mapagkukunan ng tubig ang komunidad.

Tinalakay din sa pagpupulong na ito ang iba’t ibang serbisyo ng lokal na pamahalaan para sa mga residente. Kasama ang Department of the Interior and Local Government at iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod, inihayag ng Pamahalaang Lungsod ang mga paglilinaw ukol sa mga pampublikong serbisyo.

Dagdag pa rito, ibinahagi rin ng lokal na pamahalaan ang mga planong ipapatupad upang makatulong sa paglutas ng mga nabanggit na hinaing.

Agyaman kami iti pakisangsangkamaysayo, kakabsat.

Sapay koma ta itultuloy tayo ti panagtitinnulong tayo para iti pagsayaatan ti babbarangay tayo ditoy #PeoplesCity iti #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS